PuertodeGalera.com

Puerto Galera Community Forum
 
It is currently Wed Sep 08, 2010 10:33 pm

Post new topic Reply to topic  [ 18 posts ] 
Author Message
 Post subject: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Mon Aug 18, 2008 11:14 am 
User avatar
 Profile

Joined: Thu Aug 07, 2008 12:21 pm
Posts: 6
Nais po naming ipaabot sa kaalaman ng mga mamamayan ng Puerto Galera na ang inyo pong Kapulisan ay hindi tumitigil sa pagpuksa sa Illegal na droga. Sa katunayan po, ngayong taong kasalukuyan lamang ay nakapagsagawa kami ng labing isang (11) anti illegal drugs operations na nagbunga ng pagkakahuli ng labing limang (15) katao na sa kasalukuyan ay nakapiit sa Oriental Mindoro Provincial Jail at nasampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002).

Kabilang po sa mga nadakip ay ang ilan sa mga itinuturing na mga notorious drug pushers na nag ooperate po sa ating bayan at nakatala sa drugs watch list ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency).

Noong nakaraang taon po ay nagtala ang inyong kapulisan ng walong (8) katao na nahuli sa paglabag sa RA 9165 at lahat ay nasampahan na ng kaukulang kaso sa nasabing paglabag.

Ang mga pangalan po ng mga nasabing nahuling suspect ay sinadya naming hindi ilathala upang huwag makaapekto sa kasalukuyang isinasagawang pagdinig sa kanilang kaso.

Sa kasalukuyan po ay patuloy pa rin ang aming pagsasagawa ng pagkalap ng impormasyon at paglalagay ng mga under cover agents sa ibat-ibang panig ng Puerto Galera upang masigurong magiging matagumpay ang bawat anti-illegal drugs operations na aming isasagawa.

Kung kayo po ay may nalalaman tungkol mga nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot, mangyari po lamang na inyong ipagbigay alam sa aming himpilan para sa agarang ikadarakip ng mga nasabing kriminal. Sinisiguro po namin na ang identity ng bawat impormante ay mananatiling sikreto at walang makakaalam.

Huwag po tayong matakot....LABANAN ANG SALOT NA DROGA!!!

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Mon Aug 18, 2008 12:41 pm 
User avatar
 Profile

Joined: Sat Apr 05, 2008 9:17 pm
Posts: 87
tamaraw wrote:

WE SUPPORT THE PNP IN YOUR ANTI-DROGA CAMPAIGN!

_________________
MAG-ARAL MAKINIG, KAHIT SA MANGYAN MAY MATUTUNAN...

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Wed Aug 20, 2008 1:17 am 
 Profile

Joined: Thu May 15, 2008 2:11 am
Posts: 98
good luck sa inyong lahat sa pagpuksa sa Illegal na droga..
a very difficult task .. ika nga eh supply and demand dilemma..

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Tue Sep 16, 2008 1:45 pm 
User avatar
 Profile

Joined: Sun Jul 13, 2008 7:31 pm
Posts: 502
sa white beach po, tuloy pa rin ang bentahan dun sa may manggahan.
paki tingnan lang po...
salamat!

_________________
PAYAYAMANIN BA NILA ANG BAYAN
O PAYAYAMANIN SILA NG BAYAN?
kayo na ang humusga...

Increase the EUF and you KILL us ALL!!!

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Mon Sep 22, 2008 3:17 am 
 Profile

Joined: Sat Sep 20, 2008 9:57 pm
Posts: 357
Wow, sa ilalim lang pala ng manggahan nagkakabentahan na ng drugs.Sige po mamang pulis hulihin nyo nga po ang mga karumal dumal na salut ng lipunan.Pero isipin mo kabayan walang drugs dyan kung walang namimili(buyers/users) at part yan ng sex trade nyo dyan sa PG,kilala ang PG sa sex tour lalo na ang Sabang .Isipin mo kabayan at tingnan mo ang mga turistang pumupunta dyan , mga cheap sila, kasi nga mura ang drugs and sex dyan kaya dyan sila pumupunta sa PG,lalo pa legal naman dyan ang prostitution basta may % ang munsipyo ayos na.Kala nyo ba beach ang pinupuntahan dyan ng turista? hindi po, cheap sex lang,hindi ko naman sinasabing lahat pero majority yong mga sex tour kagaya sa Thailand.Ang dumi sa Sabang kahalo ng locals ang mga pagirpir yun bang mga may perang turista pumupunta dyan?HINDI.
Sige lang po mamang pulis paka gal-ngan nyo panghuhuli ,baka naman pag may pursyento rin kayo bigla rin kayong BUMIGAY.

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Mon Sep 22, 2008 6:37 am 
User avatar
 Profile

Joined: Wed Sep 03, 2008 10:10 am
Posts: 16
Hello poh,

Kasamang kabanalan,narinig mo ung 2 beses na putok dun yata sa my bandang sto.nino o byan.nakakatakot talaga dis oras n gabi un.ang kinakatakot ko lang naman bka my tamaan ng ligaw n bala. :o :shock:

sana naman narinig yon ng kinakaukulan.... :roll: Parang hindi na rin ligtas dito sa atin gumala sa gabi.hindi katulad ng una panahon masarap pakingan huni ng ibon lalo n sa gabi. :x :x :?: :?: :?:

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Mon Sep 22, 2008 9:22 am 
 Profile

Joined: Sat Sep 20, 2008 9:57 pm
Posts: 357
Sorry luwalhati di ko po naring yong putukan dyan, napakalayo ng lugar ko sa inyo,pero nakakasindak ngang marinig kung may nagpaputok.

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Mon Sep 22, 2008 9:38 am 
 Profile

Joined: Sat Sep 20, 2008 9:57 pm
Posts: 357
kaya nga Luwalhati di na kayang ibalik ang nakaraang panahon. Ang masasabi ko laang ay wag kung kainlang gabi ay saka haseng hase ang paghihikap ninyo.

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Fri Dec 05, 2008 11:15 pm 
User avatar
 Profile

Joined: Thu Nov 27, 2008 11:45 am
Posts: 13
majikshrums wrote:
sa white beach po, tuloy pa rin ang bentahan dun sa may manggahan.
paki tingnan lang po...
salamat!

Sa sabang din ho ay talamak na talamak din. Sa umpisa lamang yata tayo magaling manghuli at kung may kaharap lamang na taga media. Meron ding mga insidente na "huli" daw kuno pero pagdating sa istasyon ay nagkaka aregluhan "daw" sabi ho ng isang asset. Maawa naman tayo sa ating mga kabataan. Nung panahon ho namin ay sa mga dumadayong US airforce laang namin nakikita ang mga ganyang aadik-adik, pero sila naman ho ay pag nakapangain ng isang paswelong magic mushroom ay taranta na at matagal na uulit pa. Ngayon ho ay araw-araw na ang pagtira ng droga na kalimitan ay nagiging sanhi ng napakaraming krimen sa ating bayan. Suggestion lamang ho: dapat ay actibo ang ating local media at civil society watchdogs tulad ng PLEB at simbahan para pangalagaan ang kinabukasan ng ating bayan. Yun hong IBANG mga concerned govt agencies at local leaders ay parang inutil sa kanilang sinumpaang tungkulin, sana naman ay magkaroon ng magandang pagbabago. Salamat ho. :(

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Sat Dec 06, 2008 12:07 am 
 Profile

Joined: Sat Sep 20, 2008 9:57 pm
Posts: 357
Totoo naman yan konghoy, sa Sabang talaga marami nyan kaya naman marami din dyang unsolved murders that I think is also drug related. Correct me if I'm wrong but wayback in the 90's wildmushroom is already a fave,sabi nga noong asawa ni Ka Berta : ay naku ,ay para kang nakakakita ng tala(star) sa katanghalian pag kumakain ng mushroom omelet ....hahahahaaa !

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Sat Dec 06, 2008 4:06 am 
 Profile

Joined: Thu May 15, 2008 2:11 am
Posts: 98
Huwag po tayong matakot....LABANAN ANG SALOT NA DROGA!!!

- campaign para sa illegal drugs .. freakin' asinine... imho
- tanong niyo sa USA .. they spent trillion$ para labanan ang illegal drugs pero hanggang ngayon Ameikanos are still spending $40-100 billion$/year sa kanilang drug habits..

- make it legal ... katulad ng alcohol and tobacco . aba eh maraming tax revenue yaan.. mas makokontrol ..?
- you'd say hindi puwede yan maraming magiging addict .. anong ipinagkaiba ng alcoholic ? may betty ford center na ba sa Puerto ?
- lalagyan din ng babala sa box/container tulad ng sigarilyo .. fine print ika nga ( side effects.. smoking causes cancer..
slow death,
- tapos iba iba ang potency ( slow death,coma,sayonara)..

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Sat Dec 06, 2008 7:24 am 
User avatar
 Profile

Joined: Thu Nov 27, 2008 11:45 am
Posts: 13
kabanalan wrote:
Totoo naman yan konghoy, sa Sabang talaga marami nyan kaya naman marami din dyang unsolved murders that I think is also drug related. Correct me if I'm wrong but wayback in the 90's wildmushroom is already a fave,sabi nga noong asawa ni Ka Berta : ay naku ,ay para kang nakakakita ng tala(star) sa katanghalian pag kumakain ng mushroom omelet ....hahahahaaa !

Hahahaha! Those were the days my friend na napakasimple ng buhay sa puerto galera..Dati nga ay palaman pa sa pan de agua ang omelet, hahahaha..But some tourists during the early days prefer their mushrooms raw and unadulterated, fresh from the "__e ng kalabaw". ;)

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Sat Dec 06, 2008 9:40 am 
User avatar
 Profile

Joined: Mon Aug 11, 2008 8:23 am
Posts: 219
this is a rather controversial statement but...as I learned the reason why cocaine in the US has become number one drug used is because of the strict laws vs marijuana. It is said that marijuana stays in the body for a much longer time than cocaine so authorities can easily trace it in the body. Cocaine is more dangerous than marijuana, but because of the way the law was made, the people switched to it for harder detection.

There is also a controversial move now being done in Canada---the use of hemp (a variety of cannabis popularly called marijuana) to fight cancer. It has been successfully done but then marijuana is deemed a illegal and so lies the rub. Marijuana has been a medicinal plant in olden times but then abuse of it has made it harmful.

It is also interesting to note that Puerto Galera is known for the "magic mushroom". Is there a medicinal proponent to this? Aside from the "rungaw" it gives? I believe that everything organic is neutral in that you can use it for good or evil. It's in the user. Mexican shamans/spiritual men use hallucinogenic drugs to be in harmony with their inner fears, etc. But that it is also controlled in practice, so they still are very productive people in everyday lives.

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Thu Dec 11, 2008 10:33 pm 
 Profile

Joined: Fri Nov 21, 2008 12:16 am
Posts: 2
cge, ung mga pulis eh mag simula nang takpan ung annus ng baka para wala ng tutubo at maibenta na kabute sa mga lowlanders and tourists..

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Thu Dec 11, 2008 10:54 pm 
 Profile

Joined: Sat Sep 20, 2008 9:57 pm
Posts: 357
thegodfather wrote:
cge, ung mga pulis eh mag simula nang takpan ung annus ng baka para wala ng tutubo at maibenta na kabute sa mga lowlanders and tourists..

hahahahahahahaaaaaa...si ninong naman nagpapatawa !

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Thu Dec 11, 2008 11:18 pm 
 Profile

Joined: Thu May 15, 2008 2:11 am
Posts: 98
tagabundok wrote:
this is a rather controversial statement but...as I learned the reason why cocaine in the US has become number one drug used is because of the strict laws vs marijuana. It is said that marijuana stays in the body for a much longer time than cocaine so authorities can easily trace it in the body. Cocaine is more dangerous than marijuana, but because of the way the law was made, the people switched to it for harder detection.

- may not be the only reason..
- siguro add natin ang "supply & demand" ..
- add na rin natin ang diposable income ng mga tao kahit nga yoong mga nasa section 8 ay nakakabili rin.

- heck si Barack Hussein Obama eh cocaine user eh..

but i digress..... puerto galera forum nga pala ito

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Sun Dec 21, 2008 11:34 am 
 Profile

Joined: Fri Nov 21, 2008 12:16 am
Posts: 2
higpitan kasi ang security sa batangas tska sa pier d2 para hindi makapag pasok ng drugs d2. badtrip nga sa pier eh, lighter lng hinuhuli, drugs hindi. drugs comes with tourism, it is inevitably ruining the future of the young people of puerto galera. the lack of education on this matter is one of the many reasons why people abuse drugs. ang mga guro sa ating mga paaralan ang siyang maykakayanan upang imulat ang mata ng kabataan sa maaaring epekto nito pag inabuso ang pag gamit ng ipinag babawal na drogakahirap sugpuin ng drugs. kung ganito din lng ang nangyayari ey we should educate the people to smoke at the right place, at the right time and the right amount. db? makitid kasi ulo ng mga guro d2 kya d sila pakinggan ng kabataan.

Top
 
 Post subject: Re: ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN
PostPosted: Sun Jul 19, 2009 7:09 pm 
User avatar
 Profile

Joined: Mon Oct 27, 2008 8:48 pm
Posts: 141
Mga Kapuso at Kabarangay...
maging aktibo muli sa Forum na ito...
kailangan tayong maging makapagmatyag para sa bayan ng PG lalo na at malapit na ang Eleksyon...

Di natin sila TATANTANAN!!!

Alam ga ninyo kung bakit natangal si TAMARAW bilang hepe ng PG???
Eto ang aking expose sa mga susunod na araw... :twisted:

Top
 
Display posts from previous:  Sort by  
Post new topic Reply to topic  [ 18 posts ] 

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest

You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot post attachments in this forum

Search for:
Jump to:  
Copyright © 2009 Puero Galera Online Services.  All Rights Reserved.  Created by NetMagus
Powered by phpBB Design By Poker Bandits