-
Official statement about certain rumors regarding the mayors projects
Malugod pong ipina aabot ng ating butihing Mayor Rocky D. Ilagan ang kaniyang paanyaya sa lahat ng mga konsernadong grupo o indibidwal na nagpapahayag ng kanilang reklamo, pangamba at saloobin hinggil sa itinatayong Windmill ng kompanyang PHESI na magtungo sa kaniyang tanggapan bukas, araw ng Miyerkules. Abril 26 ganap na alas dyes ng umaga. Ito ay upang mas mapag usapan ang anumang isyu at magkaroon ng mas malawak at produktibong talakayan. Bukas po ang tanggapan ng ating alkalde sa sinuman at makaka asa ang lahat ng mga mamamayan na mapapakinggan ang kanilang mga suhestyon at karaingan. Kasama po ng mga taga Puerto Galera ang inyong lokal na pamahalaan sa pagbabantay…