Mamamayan uma-aray na sa taas ng presyo ng bilihin

Ang mga taga-Puerto Galera ay uma-aray na sa taas ng presyo ng halos lahat ng pangunahing produkto tulad ng gulay, bigas, prutas, karne at kahit mga de-lata.

Sobrang taas ng bilihin

Mataas na nga dati ang presyo ay lalo pa itong tumaas matapos mag-tala ng 6.4% inflation rate ang buong bansa.
Sa isang post sa I Love Puerto Galera Facebook page, inilarawan ni Jimmy Gaya ang kamahalan ng presyo ng bilihin sa palengke.
Aniya, sa 215 pesos ay konti na lamang ang mabibili hindi kagaya noong nakaraan.
Agad namang sinang-ayunan ng maraming netizens ang post ni Gaya.
“Panahon na para taniman natin ng mga gulay at iba pa ang mga bakanteng lupa, paunlarin ng pamahalaan ang agrikultura nang sa ganun ay hindi tayo masyado umasa sa pang-angkat ng ng mga produkto sa ibang bayan at dapat ding itayo ang isang Consumer Rights group na siyang magtataguyod ng karapatan ng mga mamimili sa Puerto Galera”, sinabi ni PGF Editor Noe Lineses.