Message of Vice Mayor Marlon L. Lopez
Magandang Araw Po sa Inyong Lahat!
Ang pagkakaroon po ng isang pahayagan sa ating bayan ay isang magandang kaganapan at ito ay mainit na tinatanggap ng inyong lingkod. Sapamamagitan nito maipaparating ng pamahalaan ang mga programa, plano at proyekto sa publiko. Sa kabilang banda, malalaman ng mga opisyales ng pamahalaan ang mga opinyon at saloobin ng ating mamamayan sa mga isyung nakaka-apekto sa kanila.
Umaasa ako na ang muling pagbuhay ng pahayagang ito ay magiging kasangkapan para sa higit pang pag-unlad ng ating bayan dulot ng mainam, mapag-kalinga at bukas na pamahalaan.
Inaasahan din ng mga mambabasa ng Puerto Galera Fortnightly na ito ay magiging patas at hindi magagamit sa pulitika bagkus ay tangi at pawang katotohanan ang mailalathala sa pahayagang ito.
Sapamamagitan ng Puerto Galera Fornightly ipa-paabot namin ang mahahalagang anunsyo, impormasyon at balita mula sa inyong Sangguniang Bayan.
Maraming salamat, Congratulations at Mabuhay ang Bagong Puerto Galera Fortnightly Journal.
(SGD) MARLON L. LOPEZ
MUNICIPAL VICE MAYOR

