Official statement about certain rumors regarding the mayors projects

Mayor Rockey D. Ilagan
Mayor Rockey D. Ilagan

Malugod pong ipina aabot ng ating butihing Mayor Rocky D. Ilagan ang kaniyang paanyaya sa lahat ng mga konsernadong grupo o indibidwal na nagpapahayag ng kanilang reklamo, pangamba at saloobin hinggil sa itinatayong Windmill ng kompanyang PHESI na magtungo sa kaniyang tanggapan bukas, araw ng Miyerkules. Abril 26 ganap na alas dyes ng umaga. Ito ay upang mas mapag usapan ang anumang isyu at magkaroon ng mas malawak at produktibong talakayan. Bukas po ang tanggapan ng ating alkalde sa sinuman at makaka asa ang lahat ng mga mamamayan na mapapakinggan ang kanilang mga suhestyon at karaingan. Kasama po ng mga taga Puerto Galera ang inyong lokal na pamahalaan sa pagbabantay sa sinumang sisira sa inang kalikasan at pagsawata sa anumang proyekto na magdudulot ng kapinsalaan sa ating kapaligiran. Naniniwala po si Mayor Ilagan na may tama, angkop na lugar at tanggapan upang mas maging makatotohanan at produktibo ang talakayan at hindi sa Social media lamang.

Maraming Salamat po at inaasahan ang inyong pagdalo.

One Comment

  • Jan Johansson

    Thanks guys, but I don’t read Filipino – could we have an english version below and the same with future Filipino articles?