Panahon na Para Magbago: Ang Hamon ng Turismo sa Puerto Galera

Unti-unti nang bumababa ang bilang ng mga turista sa Puerto Galera. Ang dati nating malalakas na merkado—Koreano at Tsino—ay halos hindi na dumarating. Maging ang mga lokal ay nagtitipid na rin at pinipiling magbakasyon sa ibang mas kilalang destinasyon.

Isa sa mga dahilan: hindi tayo sumasabay sa panahon. Digital na ang mundo, AI age na ngayon. Pero marami pa rin sa atin ang nakaasa sa traditional marketing—nag-aabang na lang ng walk-in guest. Sa panahong lahat ay online na, kailangan nating palakasin ang digital presence ng Puerto Galera.

Hindi na sapat ang ganda ng dagat at burol. Ang hinahanap ngayon ng turista ay convenience, magandang serbisyo, at kakaibang karanasan. Kailangan nating baguhin ang mindset—huwag puro kagustuhan ng mga stakeholder, kundi unahin ang gusto at pangangailangan ng turista.

Ibalik natin ang tunay na Pinoy hospitality. Magbigay tayo ng tapat at maayos na serbisyo, at mag-strive para sa magagandang reviews. Maging updated sa teknolohiya, gamitin ang social media at booking platforms, at magtulungan para maiangat muli ang imahe ng ating bayan.

Kung kikilos tayo ngayon, hindi pa huli ang lahat. Puerto Galera can rise again—kung tayo ay magbabago, magsasama-sama, at magpapakatotoo sa serbisyo.