Para kay Melody Cataquis Lineses
Sa bawat araw ng hirap at lumbay,
Ikaw ang kasama kong lagi at tunay
Walang yaman, walang aliw—tanging ‘yong kamay,
Ang bumubuhat sa’kin tuwing ako’y bumibigay.
Napakarami mong pinagdaanang sakit,
Mula nang si Nico’y kunin sa atin ng langit.
Ngunit patuloy kang nagmamahal ng buo,
Sa bawat pag-aalaga, pagluha, at pagsuyo.
Masakit sa’kin na ikaw ay magsakripisyo,
Kung puwede lang, ako na ang magdala nito.
Ngunit sa ‘yong ngiti, ako’y nahihimlay,
Sa ‘yong yakap, ako’y muling nabubuhay.
Payak, tapat, at matatag sa lahat,
Tuloy lumalaban kahit tayo’y salat
Melody, mahal ko, tanglaw ng buhay—
Ikaw ang puso ko, lakas ko at gabay.